top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Palad ng ex-OFW na breadwinner, nagsasabing makapag-a-abroad ulit at makapag-aasawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2021
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| February 10, 2021




KATANUNGAN


  1. Ako ang breadwinner sa aming pamilya, pero ang hirap ng ganitong kalagayan. Napapansin ko kasi na parang nasanay na silang umasa sa akin at ayaw na nilang magtrabaho o magsikap. Mabuti sana kung palagi akong may pera at may trabaho, tulad ngayon na kauuwi ko lang galing abroad, ubos na agad ang naipon ko kaya balak kong mag-abroad ulit.

  2. Makapag-a-abroad ba ako ulit kahit may pandemya at delikado pa rin ang kalagayan ng buhay ngayon? May mga kapatid pa kasi akong pinag-aaral na nasa kolehiyo kaya kailangan kong kumayod.

  3. Sa palagay n’yo, Maestro, sa ikalawang pag-a-abroad kong ito, magtatagumpay pa rin ba ako at sa edad kong 39, makapag-aasawa pa ba ako at magkakaroon ng sariling pamilya?

  4. Minsan, iniisip ko na sobra na ang naitulong ko sa family namin, kaya kung makapag-a-aabroad ulit ako dahil pinababalik na ako ng amo ko, dapat sarili at future ko naman ang unahin ko.


KASAGUTAN


  1. Kapag nangingibabaw sa kapalaran ng tao ang planetang Saturn, partikular silang may birth date o destiny number na 8, 17 at 26, at minsan pati na rin silang may zodiac sign na Capricorn at sila ring isinilang sa buwan ng Enero at Disyembre, ganu’n talaga ang kanilang nagiging kapalaran – palagi silang tutulong at aasahan ng kanilang pamilya.

  2. Ang maganda naman sa ganu’ng buhay na dapat mong ikatuwa, ‘ika nga ay magpasalamat ka pa dahil sa halip na ikaw ang tinutulungan, hindi ba’t mas blessing na matatawag na ikaw ang tumutulong?

  3. Gayundin, mas masarap na ‘yung ikaw ang hinihingan (ibig sabihin kasi nito, may nahihingi sila sa iyo dahil meron ka), kaysa naman ikaw ang humihingi— na nangangahulugang wala kang maibibigay o walang-wala ka. Kaya mapapansin mo na tama ang palagi nating naririnig na kasabihang, “Mapalad ang mga nagbibigay kaysa sa mga binibigayan dahil may maibibigay sila.”

  4. Tama ang iniisip mong mag-abroad sa ikalawang pagkakataon, sapagkat kapansin-pansin ang napakalawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na kahit sabihin pang may COVID-19 pandemic ngayon at may bago pang strain ng nasabing sakit, walang alinlangan na muli kang makapangingibang-bansa. Oo, tuloy-tuloy din ang dating ng suwerte at magandang kapalaran sa iyong buhay kung saan hindi lang ikaw ang makikinabang, bagkus makikinabang din ang buo mong pamilya at ibang kamag-anak.

  5. Samantala, bagama’t nahuli ang kanyang pagsulpot, ang nakatutuwa rito ay tunay ngang may malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit umabot ka pa sa edad 40 pataas, walang duda na sa itinakdang panahon ng kapalaran, makapag-aasawa ka pa rin at magkakaroon ng simple at maligayang pamilya habambuhay, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus.


DAPAT GAWIN


  1. Tunay ngang itinuturing na blessing ang maging breadwinner sa pamilya, sigurado namang darating ang panahong kahit hindi ka gantihan ng mga kapatid mong natulungan mo, nasa itaas ang gaganti at magpapala sa iyo. At kapag nangyari ito, mas maraming biyaya kaysa sa naitulong mo ang siksik, liglig na ibabalik sa iyo ng langit.


Ayon sa iyong mga datos, Daisy, ito ay mangyayari sa 2022 hanggang 2023, sa buwan ng Mayo o Setyembre hanggang Disyembre. Kung saan, sa muli mong pag-a-abroad sa nasabing panahon, na mas magiging masagana at mabunga kaysa sa mga nauna mong pag-alis. Kasabay nito, ayon sa iyong Love Calendar, ang lalaking isinilang sa buwan ng Mayo ang darating at makikilala mo siya sa ibayong-dagat, magiging boyfriend hanggang sa bandang huli ay siya na rin ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng simple pero maligaya at masaganang pagpapamilya habambuhay (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) na mangyayari at tunay na magaganap sa edad mong 41 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page