top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Palad ng binatang magkakaroon ng 2 hanapbuhay at stable love life

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2021
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | December 03, 2021






PALAD DEC 3

  1. BILOG SA HEART LINE, BANTA NG SAKIT SA PUSO

  2. PALAD NG BINATANG MAGKAKAROON NG 2 HANAPBUHAY AT STABLE LOVE LIFE

  3. KAHULUGAN NG DOUBLE FATE LINE AT BILOG SA HEART LINE


KATANUGAN


  1. Dalawa ang nakikita kong Fate Line sa aking palad at ang sabi n’yo nang minsang makabasa ako ng ganitong palad sa artikulo n’yo ay maaaring dalawang career o trabaho ang ibig sabihin nito. Pero ang ipinagtataka ko, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho? Kailan mangyayari ang sinasabi ng aking palad na double Fate Line na ang ibig sabihin ay dalawa ang trabaho?

  2. Tungkol naman sa nagkabilog at gumandang Heart Line sa kaliwa at kanang palad, ibig sabihin ba nito ay mabibigo ako sa pag-ibig? Hindi pa naman ako nabibigo kasi wala pa akong girlfriend, pero may nililigawan ako kahit hindi ako seryoso sa kanya. Kailan ako magkaka-girlfriend at magiging masaya ba ang aming relasyon?

KASAGUTAN

  1. Ang double Fate Line na sinasabi mo ay nangyari sa gitnang bahagi ng iyong Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung 19 pa lang ang edad mo ngayon, sa edad mong 25 pataas, magaganap ang dalawang sabay na trabaho o source of income. Kaya kung wala ka pang trabaho ngayon, posibleng sa edad mong 22, magkakaroon ka na ng hanapbuhay at pagtuntong mo ng edad 25, tulad ng ipinapahiwatig ng “double Fate Line (arrow a.), magiging dalawa ang iyong hanapbuhay o pagkakakitaan.

  2. Samantala, sa ikalawa mong tanong na ano ang ipinahihiwatig ng island o bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay malinaw na tanda ng kabiguan o frustration sa unang pag-ibig o pakikipagrelasyon. Ibig sabihin, hindi mo makakatuluyan ang iyong first love. Subalit sa Medical Palmistry, ang bilog sa Heart Line (h-h arrow b.) ay ikinukonsiderang nagbabanta o nagbabadya ng sakit sa puso o gatil-daluyan ng dugo o ugat.

  3. Ibig sabihin, kung medyo chubby ang iyong pangangatawan at marami ka pang bisyo o may lahi kayo ng may sakit sa puso, ang island sa heart line (arrow b.) ay babala na prone kang magkaroon ng problema sa bahagi ng inyong internal organ na nasasakupan ng circulatory system. Ibig sabihin, dagdag na ehersisyo ang dapat, bawasan ang pagkain ng mga karne na may bad cholesterol, habang dagdagan ang pagkain ng isda, gulay at prutas. Sa ganitong paraan, habang bata ka pa ay makakaiwas ka agad sa posibilidad ng pagkakasakit na may kaugnayan sa circulatory system.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sa Medical Palmistry, sinasabing kapag maraming maliit na bilog ang Heart Line o maliit na hiblang pababa o napakanipis ng Heart Line, ito ay tendency ng pagkakaroon ng high cholesterol level sa dugo na nagiging dahilan ng thrombosis o pagkakaroon ng mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan, partikular sa bahagi ng braso at binti.

  2. Samantala, dahil bata ka pa sa edad na 19, Jeremiah, posible ring ang island sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ay sanhi ng napipintong pagkabasted o pagkabigo sa pag-ibig sa unang babae na napupusuan mo.

  3. Subalit ayon sa malinaw at magandang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.), pagkatapos ng unang kabiguan sa pag-ibig, sa ikalawang pakikipagrelasyon, may pangako ng masagana at panghabambuhay na pag-ibig. At pagtuntong mo ng edad 25, kasabay ng pagkakaroon ng stable na love life, magaganap na rin ang double Fate Line (arrow a.), na nagpapahiwatig ng dalawang sabay na hanapbuhay na kapwa pagkakakitaan ng malaking halaga sa iisang panahon o yugto ng iyong buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page