top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Palad ng bebot na worried ‘di balikan at pakasalan ng foreigner BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 22, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| December 22, 2020




KATANUNGAN


  1. May karelasyon akong foreigner at dalawang beses na siyang bumisita rito sa Pilipinas. Nang huling magkita kami, sabi niya, babalik lang siya sa US para ayusin ang aming mga papeles dahil US citizen siya at pagkatapos ay magpapakasal na kami. Kaso, nagkaroon ng pandemya kaya nahirapan siyang makabalik.

  2. Sa ngayon, sa chat na lang kami nag-uusap. Okey naman ang pag-uusap namin, kaya lang, ngayon ay wala na siyang binabanggit tungkol sa pagbalik niya rito at tungkol sa pagpapakasal namin.

  3. Gusto kong malaman kung talagang babalik pa siya rito sa atin para pakasalan ako o baka puro pangako na lang ang gawin niya sa akin matapos niyang makuha ang aking pagkababae?

  4. Ano ang nakaguhit sa aking mga palad, siya na ba ang makakatuluyan ko at may pag-asa ba akong makarating at makapanirahan sa America?


KASAGUTAN


  1. Siguradong babalik pa rin dito ang boyfriend mo. Ito ang nais sabihin ng maayos at maganda namang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na kung siya ang first boyfriend mo at noong umuwi siya rito sa ay naging very close naman ang relationship n’yo, kumbaga, nagkaroon naman kayo ng meaningful na love affair at sabi mo nga ay naibigay mo sa kanya ang iyong pagkababae, tulad ng naipahayag na, dahil malinaw at maayos ang Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ‘wag kang mag-alala dahil sa isang maayos at smooth sailing din naman na pag-aasawa hahantong ang iyong love life.

  3. Ang pag-aanalisang babalikan ka ng boyfriend mo at pakakasalan at pagkatapos ay yayayain ka na niya sa US, upang matupad ang pangarap mo at doon na rin kayo manirahan ay madali namang kinumpirma ng malawak, malinaw at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na may isang panahon sa iyong buhay na nakatakda kang makapag-asawa ng isang foreigner at ang pag-aasawang nabanggit ay magiging daan upang ikaw ay makapanirahan sa ibang bansa hanggang sa maging US citizen ka at doon ka na rin magkakaroon ng maunlad at maligayang pamilya habambuhay.


DAPAT GAWIN


Kung minsan, suwertehan lang talaga ang buhay at isa ka sa mga sinuwerte, partikular sa pag-aasawa, Regine. Kaya sa kasalukuyan, ipagpatuloy mo lang ang pakikipag-ugnayan sa iyong foreigner boyfriend, sapagkat ayon sa iyong mga datos, sa 2021, nakatakda na ang magaganap— sa Setyembre o Nobyembre, muling papasyal sa ating bansa ang iyong boyfriend upang yayain ka nang magpakasal at tuluyan na rin kayong manirahan sa US, upang doon na rin kayo bumuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page