Palad ng bebot na makapag-aasawa kahit masyonda na
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | December 29, 2021

KATANUNGAN
Gusto kong malaman kung makapag-aasawa pa ba ako kahit 37-anyos na ako at wala pa rin akong boyfriend? Nagtataka ako sa mga naging karelasyon ko dahil parang walang sumeryoso sa akin, gayung seryoso naman ako sa kanila.
Sa ngayon, nagtatrabaho ako bilang accounting clerk sa isang bangko at okey naman ang trabaho ko rito dahil regular ako at maraming benepisyo. Ang problema ko na lang ay ang aking kinabukasan, partikular kung magkakaroon pa ako ng sariling pamilya o baka habambuhay na akong tumanda na nag-iisa.
KASAGUTAN
Huwag kang matakot at mag-alala, Ellene, dahil ayon sa malinaw, kaisa-sa, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, walang alinlangang makapag-aasawa ka.
Ang pag-aasawang nabanggit ay hindi lang magiging masaya dahil kapansin-pansin ang pagsama ng isang Guhit ng Lalaki (Drawing A. at B. K-K arrow b.) sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na bukod sa makapag-aasawa ka pa sa edad na 37 pataas, siguradong hindi basta-basta lalaki ang mapapangasawa mo kundi isang propesyunal o may kaya sa buhay, at ang nasabing pag-aasawa ay magiging maunlad at masagana na kinumpirma at pinatunayan din ng maayos at maganda ring Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagkataong nagtapos pa sa Bundok ng Kaligayahan na tinatawag ding Mount of Jupiter (arrow e.).
Tanda na kahit na medyo na-delay ang iyong pag-aasawa, napakaganda dahil hindi ka lang nakaabot sa huling biyahe, kundi ang biyahe ng pag-aasawa na nasakyan mo ay nakatakda ring mamunga ng maunlad, masagana, maligaya at panghabambuhay na pagsasama.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Ellene, tulad ng nasabi na, magdudulot ng tagumpay at ligaya ang pag-aasawang mapapasukan mo sa taong 2023 sa edad mong 39 pataas, kung saan ang pag-aasawang ito ay sadyang masarap at magiging maunlad hanggang sa tuluy-tuloy na kayong makabuo ng lalaking mapapangasawa, na isinilang sa zodiac sign na Cancer, ng isang masagana at maligayang pagpapamilya habambuhay.




Comments