top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Palad ng bebot na magiging CPA at magkakaroon ng iba’t ibang sideline

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 21, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| February 21, 2021





KATANUNGAN


  1. Napansin kong parang dalawa ang Fate Line sa aking palad, ano ang ibig sabihin nito?

  2. Sa ngayon, ako ay nag-aaral ng Accountancy at malapit na akong maka-gradweyt. Magiging matagumpay ba ako sa kursong ito at matutupad ba ang pangarap namin ng nanay ko na maging CPA ako?

KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansin ang malinaw at makapal na Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow a.) na madali namang nakasampa sa Mount of Jupiter o Bundok ng Katuparan (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa sandaling naka-gradweyt ka na ng kurso mong Accountancy at nag-review agad, malaki ang tsansa na madali kang makakapasa sa board exam, na kinumpirma naman ng maayos at maganda mong lagda.

  2. Ibig sabihin, sa susunod pang mga taon, magiging positibo ang mga pangyayari sa iyong career at sa larangan na napili mo o pinili ng nanay mo para sa iyo, siguradong magtatagumpay ka at magiging maligaya.

  3. Samantala, kapag dalawa ang Fate Line, ito ay tinatawag ding “double fate line” (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Ito ay tanda rin ng “double source of income”, na ang ibig sabihin ay dalawa ang trabaho o pinagkakakitaan mo sa iisang panahon. Halimbawa, natapos ka ng kursong Accountancy at naging CPA ka pa, at may regular na trabaho ka na, puwedeng may iba ka pang trabaho tuwing weekend, kaya naman mga pagkakakitaan na puwedeng iuwi o gawin sa bahay. Ibig sabihin ng dalawang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) kung ganu’n, magtatagumpay ka sa napili mong larangan at may iba ka pang raket na maaaring pinaglilibangan pero kumikita ka rin naman nang regular at mas malaking halaga.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Ayon sa iyong mga datos, Abigail, partikular ang dalawang Fate Line na nakikita mo sa kaliwa at kanan mong palad (Drawing A. at B. F-F arrow b.) ay nangangahulugang kapag tapos ka na ng kolehiyo at nagtatrabaho ka na, siguradong hindi ka mawawalan ng regular na trabaho at bukod pa rito, maraming sidelines at iba’t ibang pagkakakitaan ang maaaturga mo.

  2. Samatanla, ayon naman sa iyong Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.), bukod sa maganda at mabungang career na sadyang nakalaan na sa iyo, sa taong 2027 at sa edad mong 29 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page