top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Palad balak na pag-a-abroad, mister todo kontra

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 7, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 7, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Batangas.


Dear Maestra,


Magandang buhay sa inyo.


Noong nakaraan ay napanaginipan ko na tinuturuan ko ang kaibigan ko dahil kulang na kulang siya sa kaalaman. At napanaginipan ko rin na ako mismo ang tinuturuan ng kaibigan ko. Siya ang naging teacher ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Laura


Sa iyo, Laura,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tinuturuan mo ‘yung kaibigan mo dahil kulang na kulang siya kaalaman ay ganu’n mismo ang mangyayari sa iyo sa susunod na mga araw.


May lalapit sa iyong kaibigan para humingi ng tulong. Agad mo naman siyang tutulungan kung ano ang nararapat niyang gawin sa sitwasyong napasukan niya.


Samantala, ang nagkabaligtad ang sitwasyon,ikaw mismo ang tinuturuan ng kaibigan mo ay nagpapahiwatig na malalagay ka sa sitwasyon na kakailanganin mo ang tulong ng iyong kaibigan. Hihingian mo siya ng payo tungkol sa problema mo na halos hindi mo na kayang harapin. Agad ka namang papayuhan ng kaibigan mo. Tutulungan ka niyang makaraos sa problemang dinaranas mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page