Pakikialam ni Robin, in-example… KYLIE, NAGPATUTSADA SA MGA NAGRE-REMAKE NG MOVIE, SINOPLA NG FANS
ni MA. Consuelo Nolasco @Special Article | April 26, 2023

Nasa gitna na naman ng kontrobersiya ang aktres na si Kylie Padilla pagkatapos nitong mag-post sa kanyang Twitter account ng mga katagang: "Or quit franchises or films that weren't broken."
Kahit na walang binanggit na pangalan at hindi malinaw kung ano o sino ang pinapatamaan ni Kylie sa naturang post, agad na nag-react at nag-assume ang mga netizens na nakabasa sa post ng aktres na ang gustong ipahiwatig o iparating ni Kylie ay ang hindi niya pagpabor sa mga naglalabasang remake ngayon ng mga pelikula noon.
Naging issue ang mga salitang binitawan ng aktres sa kanyang social media dahil sunud-sunod ang paglabas ng mga Filipino adaptations, maging ang mga remake ngayon ng mga pelikula sa bansa.
Hindi naman nagustuhan ng mga nakabasa ang naging statement na 'yun ni Kylie, kaya inulan ng komento mula sa nanggigigil na mga netizens ang naturang post ng aktres.
Ang mataray na komento ng isang netizen, na sinasabing sinira ni Kylie ang fantaserye, " Coming from someone who ruined Encantadia."
Matatandaang noong 2016, gumanap si Kylie bilang Amihan sa remake ng sikat na fantasy series ng GMA-7 noong 2005 na Encantadia.
"Weh? 'Di ba nga, sinira ng tatay mo (Robin Padilla) ang remake ng Totoy Bato, dahil pinakialaman ng tatay mo ang script at directing kaya nagalit nga si Suzette Doctolero sa tatay mo. Ang ganda ng umpisa ng Totoy Bato, nang tumagal, biglang naging fantaserye," sey pa ng isa.
Ang tinutukoy ng commenter ay ang pagbida ng kanyang amang si Robin sa remake ng iconic na pelikula ni Fernando Poe, Jr. noong 1977 na Totoy Bato. Ipinalabas ang series version ng nasabing pelikula noong 2009 sa Kapuso Network.
Siguro ay hindi na rin kinaya ni Kylie ang hanash ng mga netizens, kaya mas pinili na lang niyang i-delete ang nasabing statement sa kanyang social media.
Sa halip ay muli itong nag-post, "Ako ay nagtatrabaho lamang. 'Wag na po kayong masyadong mai-stress. Haha! All love and peace.
"And thanks to everyone who feels like they have to defend me. Luckily, I've developed a thick skin from showbiz, pero na-appreciate ko kayo. Love each and every one of you."
Samantala, kahit binura na ni Kylie ang kanyang naunang post ay mayroon pa ring mga netizens ang hindi natuwa sa ginawa at inasta ng aktres.
"Privilege girl," ang naging makahulugang komento ng isang netizen.
Hindi naman sikreto ang katotohanan na alam ng lahat na galing si Kylie sa angkan ng Padilla na puro mga artista.
Habang ang sey naman ng isa na tila gustong sabihin na kung hindi dahil sa pagiging isang Padilla ni Kylie ay 'di siya sisikat, "Kung 'di rin naman dahil sa apelyido niya, wala rin talaga."
Well, hindi rin naman maipagkakaila at maitatanggi na naging mas madali nga ang pagpasok ni Kylie sa showbiz industry dahil sa opportunity at connection na meron siya.
At wala namang masama kung muling i-remake ng mga producers ang mga pelikula noong araw, pati na rin kung gusto nilang gawan ang mga foreign films ng mga Filipino adaptations.
Ang mahalaga naman ay mabigyan nila ito ng hustisya at magampanan ng mga bidang artista ang mga karakter nang maayos at mahusay.





Comments