Paire, French star player, out sa U.S. open dahil sa COVID-19
- BULGAR

- Sep 2, 2020
- 1 min read
ni MC - @Sports | September 2, 2020

Inalis na sa listahan ng mga maglalaro sa U.S. Open si Benoit Paire ng France matapos magpositibo sa nakamamatay na coronavirus.
Ayon sa ulat, nakatakda sana itong sumagupa kontra kay Kamil Majchrzak ng Poland sa first round ng nasabing tennis tournament pero minalas at tinamaan ito ng COVID-19.
Papalitan na lamang si Paire ni Marcial Granollers ng Spain. Sinabi ng organizer ng palaro na nagpositibo sa COVID-19 ang ranked 22 na si Paire habang ito ay nasa New York.
Inatasan naman ng organizers ang mga manlalaro na sundin ang health and safety procotols na ipinapatupad ng estado at torneo.





Comments