Pahiwatig ng paglalakbay sa malayong lugar at pag-aasawa
- BULGAR
- Apr 14, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 14, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenz ng Cebu City.
Dear Maestra,
Dalangin ko na pagpalain nawa kayo lagi ng Diyos upang marami pa kayong magabayan tungkol sa kahulugan ng mga panaginip at isa na ako ru’n.
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nag-aabang ako ng taxi.
Matagal akong naghintay, mabuti na lang, may dumating din at sumakay ako agad.
Kinabukasan, napanaginipan ko na may kotse na ako, at ako mismo ang nag-drive para makarating sa mga gusto kong puntahan.
Ano ang ibig ipahiwatig ng mga panaginip ko?
Naghihintay,
Lorenz
Sa iyo, Lorenz,
Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na nag-aabang ka ng taxi at matagal kang naghintay hanggang sa may dumating at sumakay ka ay maglalakbay ka sa malayong lugar, kung saan marami kang mararanasang sagabal sa iyong daraanan.
Samantala, ang ibig sabihin ng may kotse ka na at ikaw mismo ang nag-drive para marating ang mga gusto mong puntahan ay mapo-promote ka sa pinapasukan mo at may makikilala kang babae na magpapatibok sa puso mo. Dahil d’yan, magiging maligaya ka at may posibilidad na magkatuluyan kayo at mauwi sa kasalan ang relasyon n’yo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments