top of page

Pahiwatig ng matagumpay na negosyo at kasaganaan sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 6, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerald ng Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na maaga akong pumunta sa bukid upang gatasan ‘yung baka namin. Ang dami kong nakuhang gatas, tapos namitas naman ako ng mga gulay at prutas. Pag-uwi ko, niluto ko na ‘yung gulay na dala ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Gerald


Sa iyo, Gerald,


Ang panaginip na pumunta ka sa bukid upang gatasan ang baka n’yo, marami kang nakuha na gatas ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa negosyo. Magiging mayaman ka sa negosyong pinagkakaabalahan mo ngayon.


Ang namitas ka ng mga gulay at prutas ay nangangahulugan ng kasaganahan, kung saan hindi na mapipigilan ang iyong pag-unlad at tapos na ang iyong mga paghihirap.


Samantala, ang niluto mo agad ang gulay pagkauwi mo ay may dadaluhan kang masayang pagtitipon, kung saan magkakatuwaan kayo ng mga kaibigan mo. Bawat isa ay bibigyan ng kapareho upang mai-date niya sa isang romantic place. Sobrang tuwa ang idudulot nito sa damdamin ng bawat isa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page