top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig ng masayang pag-aasawa

BULGAR
Jan 7, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 7, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Moanne ng Makati City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagluluksa kami dahil sa malungkot na balitang natanggap namin galing sa abroad. Agad namang nawala ang aking lungkot nang marinig ko ang paborito kong awitin. Damang-dama ko ‘yung lyrics at melody ng awiting mula sa pagkabata ay paborito ko na hanggang ngayon.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Moanne



Sa iyo, Moanne,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagluluksa kayo dahil sa malungkot na balitang natanggap n’yo galing sa abroad. Ito ay nangangahulugan na lahat ng magagandang bagay na pinapangarap mo ay mapasasaiyo. Kasaganaan, kaligayahan, at kaunlaran— lahat ng ‘yan ay paparating na sa iyong buhay at matutupad na ang mga pangarap mo.


Samantala, ang narinig mo ang paborito mong awitin mula pagkabata hanggang ngayon at agad nawala ang lungkot mo ay nagpapahiwatig ng kaligayahan sa pag-aasawa. Liligaya ka sa piling ng iyong napiling pakasalan.


Gayundin, matutuwa ang mga kaibigan mo sa magandang kapalaran na napasaiyo, kaya lahat sila ay dadalo sa kasal mo at masayang magkakatuwaan sa araw na ‘yun.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page