Pahiwatig ng masayang love life na mauuwi sa kasalan
- BULGAR
- Apr 12, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 12, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Taguig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-zumba ako kasama ang aking mga kaibigan. Panay ang indak ko, hanggang sa nasira ang suwelas ng sapatos ko, tapos hinubad ko ang aking sapatos at nagpatuloy sa zumba kahit nakapaa lang.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lourdes
Sa iyo, Lourdes,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-zumba ka kasama ang mga kaibigan mo ay magiging maligaya ang love life mo, at ang naturang love affair ay mauuwi sa kasalan.
Ang nasira ang sapatos mo, kaya inalis mo na lang ay nagpapahiwatig ng paglalakbay na may kaakibat na mga sagabal. Marami kang kakaharaping problema bago ka makarating sa iyong patutunguhan.
Samantala, ang nagpatuloy ka sa pag-zumba kahit nakapaa ay nangangahulugan na masyadong mataas ang iyong mga pangarap sa buhay. Gayunman, pagsusumikapan mo pa rin itong makamit upang magtagumpay at kilalanin ka sa inyong lugar.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments