top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig ng masayang kasal at matagumpay na negosyo

BULGAR
Nov 14, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 14, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lily ng Roxas City.


Dear Maestra,


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na nasa kagubatan ako, tapos may natanaw akong mga bulaklak ng lily. Ang ganda-ganda nito tapos biglang may paparating na leon at papunta sa akin. Akala ko ay kakagatin ako, pero hindi naman pala dahil napakaamo ng leon.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lily


Sa iyo, Lily,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa kagubatan ka at may natanaw kang mga bulaklak ng lily ay malapit ka nang ikasal at magiging masaya ang kasal mo. Gayundin, magnenegosyo kayo ng mapapangasawa mo at magiging matagumpay ito.


Samantala, ang leon na nakita mong papunta sa iyo at akala mo ay kakagatin ka, ngunit maamo ito ay nangangahulugan na ang mapapangasawa mo ay matalino at mapagkakatiwalaan, gayundin, liligaya at yayaman kayo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page