top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiwatig ng masayang buhay may asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 28, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jimmy ng Makati City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-camping kaming magkakaibigan. Nasiyahan ako sa dami ng good times na magkakasama kami, tapos biglang umulan, kaya nawala ako sa mood at nalungkot.


Hindi na ako nakipag-bonding sa mga kasama ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jimmy


Sa iyo, Jimmy,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-camping kayo ng mga kaibigan mo, at nasiyahan ka sa dami ng good times na magkakasama kayo. Ito ay nagpapahiwatig na kailanman ay hindi ka makakaranas ng kaligayahan sa pag-ibig dahil palagi kang mabibigo sa pakikipagrelasyon.


Samantala, mabuti naman at biglang umulan dahil ang kahulugan niyan ay mababaligtad ang mga pangyayari, kung saan liligaya ka sa buhay may asawa.


Matatagpuan mo ang katapat ng puso mo na sadyang inilaan ng tadhana sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page