Pahiwatig ng magandang kalusugan at kapalaran
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 27, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jasmin ng Bataan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ang saya ko dahil nanalo ako sa kasong isinampa sa akin, tapos pumabor sa akin ang judge.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jasmin
Sa iyo, Jasmin,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang saya mo ay magandang kalusugan. Ito rin ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang mana mula sa iyong distant relative.
Mabibigla ka dahil hindi mo sukat akalain na pamamanahan ka pala niya.
Samantala, ang nanalo ka sa kasong isinampa sa iyo ay nangangahulugan ng magandang kapalaran, maligayang pamumuhay na punumpuno ng pagpapala at kasaganaan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments