Pahiwatig ng mabilisang pagpapakasal sa mayamang lalaki
- BULGAR
- Feb 4, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 4, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donita ng Camarines Sur.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na kumakain ako ng tinapay, tapos dumating ‘yung dyowa ko at binigyan niya ako ng box. Sobrang tuwa ko at nang buksan ko ang box, may laman itong bracelet at necklace. Tapos, agad niyang sinuot sa braso ko ‘yung bracelet, gayundin, ang kuwintas ay sinuot niya sa leeg ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Donita
Sa iyo, Donita,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kumakain ka ng tinapay ay maiiwasan mo ang hindi magandang pangyayari na maaari mong danasin sa darating na mga araw. Ang biglang dumating ang dyowa mo at binigyan ka ng box, tapos sobrang tuwa ang naramdaman mo ay nagpapahiwatig na magiging maganda ang takbo ng mga pangyayari sa buhay mo.
Habang ang bracelet na bigay niya at sinuot agad sa braso mo ay nangangahulugan na kahit may karelasyon ka na, ma-i-in love ka sa isang estranghero at maaaring kayo ang magkatuluyan. Gayundin, mauuwi sa kasalan ang pagkikilala n’yo.
Samantala, ang kuwintas na isinuot niya rin agad sa leeg mo ay nangangahulugan ng madaliang pagpapakasal sa isang lalaking mayaman at may mataas na posisyon sa lipunan na kanyang ginagalawan. Higit sa lahat, magiging maligaya ka sa piling niya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments