top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig ng maaliwalas at magandang kinabukasan

BULGAR
Nov 16, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 16, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carlo ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umaakyat ako sa hagdan, tapos nang malapit na ako sa itaas, bigla akong nahilo dahil umuga ‘yung hagdan, nasira ito at tuluyan akong bumagsak.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carlo



Sa iyo, Carlo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umaakyat ka sa hagdan ay maaliwalas at magandang kinabukasan ang naghihintay sa iyo. Kung may nagugustuhan kang babae, ito ay nagpapahiwatig na gusto ka rin niya at mapapasagot mo siya.


Kung may negosyo ka, magtatagumpay ka rito. Kaya lang, ang sabi mo ay nahilo ka nang malapit ka na sa itaas, ito ay nagpapahiwatig na hindi mo masasanay ang iyong sarili sa sitwasyong dinaranas mo sa kasalukuyan, kumbaga, hindi ka nakakapokus. Dahil d’yan, may posibilidad na bumalik ka sa dati mong mahirap na pamumuhay.


Samantala, ‘yung nasira ang hagdan at tuluyan kang bumagsak ay nangangahulugan na mabibigo ka sa kasalukuyan mong mga binabalak sa buhay. Mahihirapan kang abutin ang tagumpay dahil mahaharap ka sa mga sagabal.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page