Pahiwatig ng kayamanan at kabiguan
- BULGAR
- Sep 15, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 15, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Pateros.
Dear Maestra,
Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko na natanggap ako sa trabaho at ang magiging boss ko ay isang hari na may magandang palasyo sa kabundukan at doon ako magtatrabaho. Tuwang-tuwa daw ako nang ipinatawag ako ng hari para kausapin. Tapos ibinigay na sa akin ang susi ng magiging kuwarto ko, pero nawala ko ito. Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lorna
Sa iyo, Lorna,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay uunlad na ang buhay mo. Kikilalanin ka sa inyong lugar at pararangalan.
Kayamanan at kalusugan din ng katawan ang ipinahihiwatig ng panaginip mo dahil makatatanggap ka ng hindi inaasahang mana mula sa malapit mong kamag-anak.
‘Yung susi sa panaginip mo ay nangangahulugan ng pag-unlad sa iyong negosyo. Ito rin ay nagpapahiwatig na magkakaanak ka na. Pero ang sabi mo ay nawala mo ang susi, ang ibig sabihin nito ay daranas ka rin ng kabiguan sa buhay at hindi lahat ng araw ay kaligayahan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments