Pahiwatig ng kasal at maligayang pag-aasawa
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 21, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Abraham ng Camarines Sur.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat.
Napanaginipan ko na ang daming pocketbook sa kuwarto ko. Pumili ako ng isa upang maghanap ng topic tungkol sa idi-discuss ko bilang guest speaker sa programang dadaluhan ko. Pagdating sa lugar na pagdarausan ng programa, buong husay akong nag-preach sa mga taong naroon. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Abraham
Sa iyo, Abraham,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming pocketbook sa kuwarto mo at pumili ka ng isa upang maghanap ng topic para sa pagiging guest speaker mo ay malapit ka nang magpakasal sa iyong karelasyon. Gayunman, mgiging masaya ang kasalan dahil pagpapalain ang inyong pagsasama.
Madadagdagan din ang inyong mga ari-arian at tuluy-tuloy na ang inyong pagyaman.
Samantala, ang ibig sabihin naman ng buong husay kang nag-preach sa mga taong dumalo sa programa ay pararangalan ka dahil sa kahanga-hangang nagawa mo sa inyong lugar.
Rerespetuhin ka at magiging mataas ang tingin sa iyo, hindi lang ng mga kabarangay mo kundi pati ang lahat ng nakakakilala sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments