top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pahiwatig ng kasaganaan, karangalan at masayang buhay may asawa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 8, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Josephine ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal ako sa garden namin, tapos nagulat ako dahil ang dami ng bunga ng mulberry trees namin. May nakita rin akong pugad ng ibon sa itaas ng puno. Tapos, naglakad pa ako nang kaunti, may nakita naman akong mushrooms at nagtaka ako dahil ang alam ko ay tumutubo lang ang mushrooms sa bukid o sumusulpot sa mga damo ru’n at minsan ay sa tuyong dumi ng kalabaw.


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?


Naghihintay,

Josephine


Dear Josephine,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na namasyal ka sa garden n’yo at nagulat ka dahil ang daming bunga ng mulberry tree ay kasaganaan, karangalan at kaligayahan sa piling ng iyong pamilya.


Ang nakita mong pugad ng ibon sa puno ay halos pareho rin ng kahulugan — domestic happiness ang ipinahihiwatig nito, kung saan magiging masaya ka sa buhay may asawa.


Samantala, ang nagtaka ka dahil may nakita ka ring mushrooms sa garden n’yo ay nangangahulugang malapit ka nang yumaman at sasagana na ang iyong buhay.


Magiging masuwerte ka sa iyong pinagkakakitaan at tuluyan nang uunlad ang iyong pamumuhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page