Pahiwatig ng kasaganaan at kaunlaran sa buhay
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 08, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bembol ng Bataan.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo r’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na sumakay ako sa kotse para mag-roadtrip. May nadaanan akong donkey at kalapating nagliliparan.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Bembol
Sa iyo, Bembol,
Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na sumakay ka ng kotse para mag-roadtrip ay kasaganaan at kaunlaran sa buhay. Ang donkey ay nangangahulugang na mag-ingat ka sa iyong matalik na kaibigan, dahil may posibilidad na bolahin ka nito.
Samantala, ang mga kalapating nagliliparan ay senyales ng magandang kapalaran, susuwertehin at pagpapalain ka.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments