Pahiwatig ng bracelet sa nalalapit na kasal
- BULGAR
- Mar 24, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 24, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessa ng Taguig.
Dear Maestra,
Shout out sa inyong lahat. Malapit na akong ikasal sa dyowa ko, pero nagdadalawang-isip pa ako kung siya na nga ba ang Mr. Right sa buhay ko.
Palagi akong nananaginip ng bracelet.
Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jessa
Sa iyo, Jessa,
Depende sa sitwasyon kapag nananaginip ka ng bracelet.
Kung sa panaginip mo ay may nagbigay ng bracelet at agad itong pinasuot sa iyo,
nangangahulugan ito na mai-in love ka sa isang lalaki na bago mo palang kakilala. Love at first sight, ‘ika nga.
Kung ang bracelet na suot mo ay mamahalin at napapaligiran ng nagkikislapang batong hiyas, ito ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng mayaman at tinitingala sa lipunan.
Samantala, kung single ka pa at nagbabalak pa lamang na magpakasal, nangangahulugan ito na ang mapapangasawa mo ay susuwertehin. Makakahawak siya ng malaking halaga, yayaman at makakabili ng mamahaling kotse at iba pang gamit sa tahanan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments