ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 26, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rose ng Malate, Manila.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakadungaw ako sa bintana, nang biglang umambon. Nabasa ang bintana namin, kaya naman agad akong kumuha ng basahan para punasan ito. Pero ilang saglit lang, may bahaghari namang lumitaw sa langit.
Naghihintay,
Rose
Sa iyo, Rose,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakadungaw ka sa bintana, at biglang umambon ay kaligayahan at kasaganahan sa buhay. Liligaya, at matatapos na magbibigat mong problema.
Ang kumuha ka ng basahan, at pinunasan mo ang bintana ay nagpapahiwatig na mula sa pagiging mahirap, susuwertehin at pagpapalain ka na.Â
Samantala, ang bahagharing lumitaw ay nangangahulugan na malaking pagbabago ang magaganap sa buhay mo. Huwag kang mag-alala dahil ang pagbabagong iyan ay maganda, at hindi pangit. Uunlad na ang kabuhayan mo, at tuluy-tuloy na yayaman ang pamilya mo. Bubuhos na rin ang mga biyayang mapapasakamay n’yo. Â
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments