top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pahiwatig na uunlad ang negosyo at babala na ‘wag basta magtiwala sa ibang tao

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 10, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 10, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Esmeralda ng Lipa City.


Dear Maestra,

Magandang araw sa inyong lahat at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang mga mahal mo sa buhay. Napanaginipan kong pumunta kami sa palaisdaan. Ang dami at malalaki ang mga isda at masiglang lumalangoy sa tubig. Namingwit ako, pero wala akong mahuli. Hindi ako tumigil sa pamimingwit hanggang sa nakahuli ako. Tuwang-tuwa ako dahil malalaki ang isdang nahuli ko.

Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko? Maraming salamat!

Naghihintay,

Esmeralda


Sa iyo, Esmeralda,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay may mag-aalok sa iyo ng negosyo kung saan magiging malaki ang kikitain mo kung tatanggapin mo ito. Subalit ayon sa panaginip mo ay hindi ka makahuli ng isda sa umpisa, nangangahulugan ito na sa kasalukuyan ay hirap na hirap kang mag-isip ng paraan upang makaraos sa buhay.


Sa kabilang dako, hindi ka tumigil sa pamimingwit hanggang sa bandang huli ay nakahuli ka rin at tuwang-tuwa ka dahil malalaki ang isdang nahuli mo. Ito ay nangangahulugan ng pag-unlad sa buhay. Uunlad ka na at sasagana sa susunod na mga araw, ibig sabihin, yayaman ka na. Pag-ingatan mo lamang ang paghawak ng pera at huwag kang magtiwala sa iba at maging matalino sa pagpapasya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrella de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page