top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pahiwatig na tatanggap ng mana mula sa yumaong kaanak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 2, 2021
2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 2, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lina ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Isa ako sa mga naglilingkod sa simbahan at sa totoo lang, maraming kontrabida kahit sa loob mismo ng simbahan.


Napanaginipan ko na may misa sa chapel ng aming barangay, pero hindi sa loob kundi sa labas lang ng chapel at ako ang commentator. Ang pari na na-assign ay hindi ko ka-vibes at nasabi ko sa aking sarili na, “Sa dinami-rami ng pari, bakit ito pa ang na-assign na magmisa ngayon?” Tapos hindi dumating‘yung choir, kaya ako na rin ang kumanta ng mga dapat kantahin sa misa. Pagdating sa parteng itinataas na ang ostia, kumanta ako ng Hosana sa Kaitaasan, at hanggang doon lang tapos tumigil ako agad.


Tiningnan ako ng pari na parang sinasabi na ituloy ko ang pagkanta, itinuloy ko naman ang pagkanta hanggang matapos ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Lina


Sa iyo, Lina,


Unang-una, saludo ako sa iyo sa pagiging lingkod ng simbahan sa lugar ninyo. Pagpalain ka nawa ng Dakilang Lumikha.


Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo dahil ito ay nangangahulugan na isa ka sa tatanggap ng pamana mula sa yumao mong mahal sa buhay. Kasali ka sa pamamanahan ng malaking halaga base sa kanyang will and testament. Ito rin ay nagpapahiwatig na marami pang magagandang bagay ang nakatakdang mapasaiyo mula sa kakilala mo na naglilingkod din sa simbahan.


Bukod d’yan, may pangako pa ng isang masaya at mabiyayang buhay sa darating na mga araw.


Kung dalaga ka pa, makikilala mo na si Mr. Right at kung ikaw naman ay may asawa na, kaligayahan, kapayapaan at kasaganaan sa buhay ang ipinahihiwatig nito.


‘Yun namang hindi mo ka-vibes ang pari na nag-misa, ang ibig sabihin nito ay hanga sa iyo ang paring tinutukoy mo. Sa lahat ng paring kakilala mo, siya ang may pagpapahalaga sa mga gawain ninyo sa simbahan. Siya rin ay maaasahan sa paghubog sa mga taong simbahan kahit medyo istrikto siya.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page