top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pahiwatig na paparating na ang magandang kapalaran

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 27, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 27, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Elmer ng Maragondon, Cavite.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kumuha ako ng uling, sinindihan ko ito at nagbusa ako ng chessnut nang may dumating na mga bata, pinanood nila ko habang nagluluto, at binigyan ko sila.


Naisipan kong mag-selfie, kaya kinuha ko ‘yung cellphone ko at nagpiktyur kaming lahat.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Elmer

Sa iyo, Elmer,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kumuha ka ng uling, sinindihan mo ito at nagbusa ka ng chessnut, ay paparating na ang magandang kapalaran mo, at matatapos na ang mga paghihirap mo.


Ang may dumating na mga bata, pinanood nila ang pagluluto mo, binigyan mo sila ng chessnut, ay nangangahulugang magtatagumpay ka sa bubuksan mong negosyo. Ito rin ay nagpapahiwatig na magiging masaya ang pag-aasawa mo, liligaya ka sa piling ng iyong magiging pamilya.


Samantala, ang naisipan mong mag-selfie kasama ang mga bata, ay senyales na lilipat ka na ng lugar na tutuluyan, at pinapasukang trabaho.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page