top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig na papalarin sa negosyo at parating na malaking halaga ng pera

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 28, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 28, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Olivia ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Tagasubaybay ako ng kolum niyo. Gaya ng marami, gusto kong magpaanalisa sa aking panaginip.


Napanaginipan ko na puro kamalasan ang nangyari sa buhay ko, nalugi sa negosyo,

nagkasakit, at tinubuan ako ng tigdas sa buong katawan. Bumili ako ng gamot para mawala ang tigdas ko, ngunit ang pait ng gamot.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Olivia


Sa iyo, Olivia,


Kabaligtaran ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na puro kamalasan ang iyong naranasan. Ito ay nangangahulugan ng pagbabago ng kalagayan mo sa buhay tungo sa pag-unlad. Gayundin, sasagana ang pamumuhay mo at tuluy-tuloy ang magagandang kapalarang inilaan sa iyo ng tadhana. Ang tinubuan ka ng tigdas sa buong katawan ay maganda rin ang ipinahihiwatig. Ito ay nangangahulugang papalarin ka sa negosyo at may hindi inaasahang malaking pera na darating sa iyo. Magugulat ka na lang at hindi makakapaniwala sa sunud-sunod na grasyang dumarating sa buhay mo.


Samantala, ang bumili ka ng gamot sa tigdas at mapait ito ay nagpapahiwatig na may sagabal sa plano mo, pero malalagpasan mo rin ito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page