Pahiwatig na may problema ang bff at dapat tulungan
- BULGAR
- Nov 22, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 22, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Taguig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko ‘yung best friend ko. Malungkot ang hitsura niya at parang may malubha siyang sakit. Sobrang lungkot ko rin dahil dinalaw ko siya at nakita ko na malubha nga ang lagay niya dahil may stage 4 cancer siya.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lorna
Sa iyo, Lorna,
Ang ibig sabihin ng napanaginipan mo ang iyong best friend na malungkot ang hitsura at parang may malubhang sakit ay kailangan niya ang tulong mo. May pinagdadaanan siyang mabigat na problema sa kasalukuyan at ikaw lang ang maaari niyang pagsabihan.
Samantala, ang sobrang lungkot mo dahil nang dalawin mo siya ay malubha na ang lagay niya, ‘yan ay nagpapahiwatig na kailangan mong isakripisyo ang sarili mong panggastos upang bigyan ng tulong-pinansyal ang kaibigan mo na lalapit sa iyo upang mangutang.
Ang stage four o number 4 naman ay nangangahulugan na kapag sinuwerte ka, sunod-sunod at kapag minalas ka ay sunod-sunod din.
Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na ingatan mo ang iyong kalusugan sa dahilan na kapag dinapuan ka ng sakit ay matagal itong gumaling. Kumbaga, palubha nang palubha hanggang sa tuluyan ka nang sumakabilang buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
תגובות