Pahiwatig na may paparating na magandang kapalaran at suwerte
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 22, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Tarlac
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakasalubong ko ang mga kaibigan ko, nakangiti silang lahat sa akin, at nginitian ko rin sila. Lahat kami ay nakasuot ng silk, at ang saya-saya namin noong araw na ‘yon.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rebecca
Sa iyo, Rebecca,
Ang panaginip mo na nakasalubong mo ang mga kaibigan mo, nginitian ka nila, ito ay nagpapahiwatig na may paparating na magagandang kapalaran at suwerte sa iyo. Ang ibig sabihin ng nakasuot kayo ng silk ay kasaganaan, kaunlaran at kaligayahan sa lovelife.
Samantala, ang saya-saya niyo, ay senyales na magiging maligaya ang iyong pakikipagrelasyon sa kasalukuyan mong dyowa. Magiging makulay at maaaring matuloy ito sa kasalan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments