top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig na may mamanahing ari-arian galing sa yumaong mahal sa buhay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 22, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Barbie ng Navotas Malabon.


Dear Maestra,

Napanaginipan ko na kasama ko ang mga friends ko, namasyal kami sa park. Ang ganda ng fountain dito, kung kaya't nag-enjoy kami sa panonood ng tubig na nanggagaling sa fountain na para bang sumasayaw sa background music na tinutugtog.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay, Barbie


Sa iyo, Barbie,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kasama mo ang mga friends mo at namasyal kayo sa park, ito ay nangangahulugan ng masayang pakikipagkaibigan, masaganang pamumuhay, tagumpay sa negosyo at magandang kalusugan. Ang nag-enjoy kayo ng friends mo ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka na masayang love life.


Samantala, ang ibig sabihin ng nasiyahan kayo sa panonood ng tubig sa fountain na para bang sumasayaw, ay nagpapahiwatig na may mamanahin kang ari-arian galing sa yumao mong mahal sa buhay. Kasama ka sa will and testament na pinirmahan niya bago siya namatay.


Matapat na sumasaiyo, Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page