top of page
Search
  • BULGAR

Pahiwatig na may lalaking darating sa oras na malungkot at pinanghihinaan ng loob

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | February 18, 2021



Salaminin natin ang panaginip ni Irene na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


May kinakain akong puti na parang bubble gum sa panaginip ko, pero masarap siya at parang palitaw. Tapos, nasa magazine ‘yung lalaki na may pagka-matured na, tapos sabi niya sa akin, hanapin ko siya. Ibinigay niya ang full name niya, pero ang naalala ko lang ay ang pangalang “Adonis” na first name niya. Ano ang kahulugan ng panaginip kong ito?


Naghihintay,

Irene


Sa iyo, Irene,


Ang kumain ng bubble gum sa panaginip ay nangangahulugang ang bibig ay lumilinis at ang digestive system ay awtomatikong gumagana, kaya hindi lang bibig ang nalilinis kundi ang iba pang bahagi ng tiyan.


Sa pagkain ng bubble gum, ang isip din ay wala sa loob na gumagana kung saan nagiging positibo ang laman ng utak. Minsan, mahirap paniwalaan ang katotohanan, ngunit bilang isang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, subukan mong kumain ng bubble gum kapag ikaw ay nananamlay, malungkot o tinatalo ng mga negatibong kaisipan. Makikita mo na babalik ang iyong kasiglahan.


Kapag napanaginipan ang bubble gum, ang nanaginip ay pinaniniwalaang makadidiskubre ng mga bago at kakaibang pormula sa kung paano mas aasenso o uunlad at magiging maligaya ang buhay.


Ang lalaki naman na nasa magazine ay sikat at dahil sikat lang ang mga nalalagay sa

magazine, ayon sa iyong panaginip, may isang sikat na lalaki na magiging bahagi ng buhay mo.


Sino kaya siya sa buhay mo at paano mo siya mahahanap? Siya ang panggagalingan ng tapang at lakas ng loob mo dahil ang kanyang pangalan na “Adonis” ay nangangahulugan ng matapang at malakas ang looban.


Siya ay iyong matatagpuan sa panahon na ikaw ay mahina, walang lakas at naduduwag sa mga hamon ng kapalaran. At dahil sa ganu’ng sitwasyon, hanapin mo ang magpapalakas ng iyong loob. Kaya ang sabi ng iyong panaginip na siya ay iyong hanapin ay awtomatikong mangyayari sa iyo at siya ay iyo na ring makikita dahil kung sino ang magbibigay sa iyo ng tapang at lakas ng loob, wala nang iba pa kundi ang lalaking napanaginipan mo.


Ito naman ang espesyal na tulong ko sa iyo upang mahanap o makikilala mo. Sa Chaldean Numerology, ang numerical value ng Adonis ay 6, at sa Pythagorean Numerology, ang numerical value ng Adonis ay 3.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page