top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Pahiwatig na may karibal sa dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 24, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Lucena City.


Dear Maestra,


Nababahala ako sa panaginip ko dahil palagi akong nananaginip ng ahas. Hindi naman ako tinutuklaw nito, pero itinataboy ko hanggang sa mapatay ko. Ano ang ibig sabihin nito?



Naghihintay,


Laura

Sa iyo, Laura,


Ang ahas ay sumisimbolo ng mga kaaway mo na naghahangad na tuklawin o siraan ka sa lipunang iyong ginagalawan at pabagsakin ka sa kasalukuyan mong kalagayan dahil sa sobrang inggit sa iyo. Kung may karelasyon ka sa kasalukuyan, ito ay nagpapahiwatig na may karibal ka sa atensiyon ng mahal mo.


Gayunman, ang sabi mo ay itinaboy mo ang ahas hanggang sa mapatay ito, ito ay nangangahulugan na may kakayahan kang magapi o matalo ang mga kaaway mo at maging ang karibal mo sa pagmamahal ng iyong karelasyon. Hindi sila nagtatagumpay sa masama nilang hangarin dahil ikaw ang magwawagi.




Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page