top of page

Pahiwatig na matutupad ang mga pangarap

  • BULGAR
  • Jan 21, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 21, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Luis ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakaupo ako sa ilalim ng punong mangga. Berdeng-berde at malago ang mga dahon nito, gayundin, maraming bunga at malapit nang mahinog ang mga ito. Tapos, nakaramdam ako ng uhaw, kaya kinuha ko ang baon kong botelya na pinuno ko ng tubig upang baunin sa aking pamamasyal. Ininom ko ang lahat ang tubig na dala ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Luis


Sa iyo, Luis,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakaupo ka sa ilalim ng punong mangga, berdeng-berde ang mga dahon nito at may mga bunga na malapit nang mahinog ay may paparating na magagandang pangyayari sa iyong buhay na ikatutuwa mo. Unti-unti mo nang matutupad ang mga pangarap mo sa buhay.


Samantala, ang nauhaw ka kaya kinuha mo ang botelyang baon mo at ininom mo lahat ang tubig ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa mga kinikilos mo dahil maaari kang madamay sa gulo kung hindi ka mag-iingat.

Ang ibig sabihin ng puno ng tubig ang botelyang baon mo ay malapit mo nang makamit ang tagumpay sa mga bagay na pinaghirapan mo sa mga nakalipas na araw at hindi magtatagal, liligaya at pagpapalain ka na.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page