top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pahiwatig na mas magiging sweet ang dyowa at tagumpay sa negosyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 19, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Trixie ng Calamba, Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na mayroong bahay ng bubuyog sa punong Acacia sa bakuran namin, tapos ang daming honey sa bahay ng bubuyog. Ang ginawa ng kapatid ko ay kumuha ng maraming honey at ginawa naming dessert, tapos ‘yung iba ay ibinenta sa kapitbahay. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,


Trixie


Sa iyo, Trixie,

Ang ibig sabihin ng honey sa panaginip mo ay lalo pang magiging sweet ang dyowa mo sa iyo.


Liligaya ka sa kanya at magtatagumpay kayo sa buhay. Gayundin, ang pagsasama ninyo ay pagpapalain dahil sa tamis at lambing ng inyong pagsasama.


Magtatagumpay din kayo sa negosyo at mabilis ang magiging pag-unlad ninyo.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page