top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig na maraming beses mabibigo sa pag-ibig

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 11, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 11, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Fidel ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinalipad ng kapitbahay ko ‘yung alaga niyang kalapati. May alaga rin siyang donkey at tupa, tapos gustung-gusto kong panoorin ang mga ito at pakiramdam ko ay nasa zoo ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Fidel


Sa iyo, Fidel,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakita mong pinalipad ng kapitbahay mo ‘yung alaga niyang kalapati ay kasaganaan at kaunlaran sa buhay, kung saan yayaman ka na at makakaahon sa kahirapan.


Samantala, hindi maganda ang kahulugan ng donkey dahil ito ay nagpapahiwatig na hindi tapat sa iyo ang best friend mo, kung saan sinisiraan ka niya ‘pag nakatalikod ka.


Ang tupa naman ay nangangahulugang masyado kang mahiyain kapag kaharap mo na ang iyong nililigawan. Hindi mo maipahayag ang tunay na nasa kaibuturan ng iyong puso.


Ang kahulugan naman ng gusto mong panoorin ang mga ito at pakiramdam mo ay nasa zoo ka, maraming beses kang mabibigo sa pag-ibig at hindi lang isang beses.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page