top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig na mapagmahal at tapat ang mapapangasawa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 27, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Noemi ng Mariveles, Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na maraming cannary na nakadapo sa puno ng acasia sa likod-bahay namin. Sabay-sabay na nag-awitan ang mga ito, ang sarap pakinggan ng sabay-sabay na paghuni ng mga naturang ibon. Sa tuwa ko, kinuha ko ang aking camera at kinunan sila ng picture.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Noemi


Sa iyo, Noemi,


Ang ibig sahihin ng panaginip mo na ang maraming cannary na nakadapo sa puno ng acasia sa likod-bahay n’yo at sabay-sabay nag-awitan, nagustuhan mo ang paghuni nila ay makakapag-asawa ka ng lalaking mapagmahal, maalalahanin, tapat at maaasahan.


Masipag siya at maganda ang pangangatawan. Gayundin, magiging maligaya ka sa piling niya habambuhay.


Samantala, ang kinuha mo ang iyong camera upang kunan ng litrato ang nasabing mga ibon ay nagpapahiwatig na nagsasawa ka na sa trabaho mo. Gusto mo nang maghanap ng panibagong mapapasukan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page