top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pahiwatig na malulutas ang mga problema at makakaiwas sa mga pangit na pangyayari

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 2, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Beth ng Marinduque.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa dentista. Agad akong umupo sa dental chair, pero nang makita ko ‘yung dentista ay nagmamadali akong umalis nang walang paalam.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Beth


Sa iyo, Beth,


Ang panaginip mo na pumunta ka sa dentist at agad umupo sa dental chair ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang hindi magandang pangyayari na maaari mong danasin sa susunod na mga araw.


Samantala, ang ibig sabihin ng nagmamadali kang umalis sa upuan nang walang paalam ay matatapos na ang mga hindi kanais-nais na pangyayari sa buhay mo. Malulutas na ang iyong mga problema.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page