top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig na malapit nang magpakasal at suwerte sa negosyo

BULGAR
Jan 17, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 17, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni James ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa tabing dagat kasama ang maid namin. Palubog na ang araw, kaya sabay naming pinanood ang unti-unting paglubog nito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

James


Sa iyo, James,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka sa tabing dagat kasama ang maid mo ay malapit ka nang magpakasal sa iyong napupusuan.


Samantala, ang sabay n’yong pinanood ang palubog na sikat ng araw ay nagpapahiwatig ng kaligayahan sa darating na mga araw. Ito rin ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa binabalak mong negosyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page