top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Pahiwatig na malalagpasan ang mga problema at may parating na kasaganaan

BULGAR
Dec 1, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 1, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Quezon City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang lugar ako na sobrang tahimik at walang kaingay-ingay. Ang sarap ng pakiramdam ko dahil malayo sa magulong mundo. Maya-maya ay umulan, pero ambon lang na parang binabasbasan ang kapaligiran.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dorothy


Sa iyo, Dorothy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang tahimik na lugar ka at walang kaingay-ingay ay matatapos na ang mga pasanin mo sa buhay. Isa-isang malulutas na sa wakas ang mga problema mo. Simula na ng panibagong bukas na ubod ng ganda, punumpuno ng mga pagpapala at mga biyaya.


Samantala, ang ibig ipahiwatig ng umulan, pero ambon lang na parang nagbabasbas sa kapaligiran ay kaligayahan at kasaganaan sa buhay na malapit mo nang makamtan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page