top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiwatig na makatatanggap ng biyaya ang anak at babala na lolokohin ng kasosyo sa negosyo

  • BULGAR
  • Jul 9, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | July 09, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jodie ng Pateros.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo. Ang isasangguni ko ay ang panaginip ng anak ko.

Napanaginipan niya na pinagalitan at pinalayas ko siya, tapos wala siyang mapuntahan at wala ring makain kaya namalimos siya sa harap ng simbahan at doon na rin nakitulog.


Kinagabihan, ako naman ang nanaginip. May nadaanan akong pulubi at awang-awa ako sa kanya, kaya binigyan ko siya ng pera.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip namin ng anak ko?


Naghihintay,

Jodie



Sa iyo, Jodie,


Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa kakayahan kong mag-interpret ng mga panaginip. Ang ibig sabihin ng panaginip ng anak mo ay kabaligtaran sa tunay na buhay. Hindi siya kailanman kakapusin sa kanyang mga pangangailangan. Mga biyaya at pagpapala ang nakatakda niyang tanggapin sa mga susunod na araw, basta’t patuloy siyang tatahak sa landas ng kabutihan at kabanalan.


Samantala, tungkol sa panaginip mo na nagbigay ka ng limos sa pulubi, ito ay nangangahulugan na isa sa mga kaibigan mo ang magtatangkang dayain o linlangin ka sa binabalak n’yong maliit na negosyo. Maaaring lokohin ka niya nang wala kang kamalay-malay. Dahil dito, maging matalino ka sa pagpasok sa negosyo at pagpili ng kasosyo. Gamitin mo ang iyong isipan bago pumirma ng mga papeles at basahin itong mabuti bago pumirma. Mabuti na ang nag-iingat kaysa sugod nang sugod nang hindi muna pinag-aaralan ang negosyong sisimulan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page