Pahiwatig na makakatanggap ng maraming pera
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 29, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bert ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Nakakatakot ang panaginip ko dahil napanaginipan ko na nasa sementeryo ako.
Nagkalat ang mga bungo ng tao sa paligid ko. ‘Yung iba ay naaagnas o dry na dry na, habang ‘yung iba naman ay kitang-kita pa rin ang buto ng nasabing mga bungo.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Bert
Sa iyo, Bert,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo. Bagama’t nakakatakot, ito ay nangangahulugan na may matatanggap kang malaking pera. Gayundin, magugulat at matutuwa ka na lang sa mga pangyayari.
Samantala, ‘yung mga bungo na kitang-kita pa ang mga buto nito ay halos ganundin ang kahulugan. Ang kaibahan lamang sa pamamagitan ng last will and testament manggagaling ang perang matatanggap mo. Hindi mo sukat akalain na kasama ka pala sa last will and testament ng yumao mong kamag-anak.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments