Pahiwatig na makakatanggap ng mana sa yumaong mahal sa buhay
- BULGAR
- May 8, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 8, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Govinda ng Batangas.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat.
Napanaginipan ko na nasa harap ako ng fountain, ang ganda ng tubig at napakalinaw.
Ang sarap ng pakiramdam ko ngunit bigla kong naalala ang ex ko. Iniwan niya ako, kaya ang lungkot ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Govinda
Sa iyo, Govinda,
Ang ibig sabihin ng nasa harap ka ng fountain, maganda ng tubig at napakalinaw ay magiging tagapagmana ka ng yumao mong mahal sa buhay.
Samantala, ang bigla mong naalala ang iyong ex, iniwan ka niya kaya sobrang lungkot mo ay nangangahulugan na kailangan mong isakripisyo ang bahagi ng mana mo. Hindi lahat ay sa iyo, kusa mong tulungan ang iyong pamilya dahil higit kang pagpapalain kaysa kanila at maaawa ka sa kalagayan nila.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna






Comments