top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiwatig na makakapag-asawa ng mayaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 13, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 13, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rose ng Taguig.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Isa ako sa masugid na tagasubaybay ng inyong kolum dahil napakahusay n’yong mag-analisa at nagkatotoo ‘yung mga sinabi n’yo tungkol sa panaginip na ipinadala ko noon.


Napanaginipan ko na nag-bake ako ng pastry at binaon ko ito sa pupuntahan kong park malapit sa amin at doon ko kinain ang mga pastry. Sarap na sarap ako habang kumakain at damang-dama ko ang banayad na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Rose


Sa iyo, Rose,


Ang ibig sabihin ng nag-bake ka at binaon mo ito pagpunta mo ng park ay makakatanggap ka ng wedding invitation. At dahil sabi mo ay ikaw ang nag-bake ng pastry, ito rin ay nagpapahiwatig na ikaw mismo ay makakapag-asawa ng mayaman sa nalalapit na mga araw.


Samantala, ang park sa panaginip mo at banayad na simoy ng hangin ay nangangahulugan ng kaligayahan, kasaganaan, magandang kalusugan at mga kaibigan na maaasahan sa sandali ng kagipitan.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page