Pahiwatig na makakaaway ang bff at ‘di makakabayad ng utang
- BULGAR
- Dec 19, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 19, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonas ng Bulacan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na umalis ako ng bahay upang mamasyal sa plaza. Hindi ko napansin na sira pala ang sapatos ko, pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. Habang naglalakad, napansin ko ang anino ko, malinaw na malinaw kong nakikita ang anino ko na sumusunod sa bawat hakbang ko.
Ano ang ipinahihiwatig ng aking panaginip?
Naghihintay,
Jonas
Sa iyo, Jonas,
Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na hindi mo napansin na sira ang sapatos na suot mo habang naglalakad ay maglalakbay ka sa malayong lugar. Gayunman, hindi magiging maganda ang daranasin mo sa lugar na ‘yun dahil mabibigo ka sa iyong hinahangad.
Samantala, ang ibig sabihin ng napansin mo ang iyong anino habang naglalakad ay masasangkot ka sa away, kung saan ang makakaaway mo ay matalik mong kaibigan.
Ito rin ay nagpapahiwatig na mapipilitan kang manghiram ng pera sa lending company at may posibilidad na hindi mo ito mabayaran sa takdang panahon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments