top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Pahiwatig na magtatagumpay sa pangarap kahit maraming pagsubok

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 20, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Malabon City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagluto ako ng ampalaya. Kumuha ako ng sandok para tikman ang niluto ko, tapos ang pait ng lasa at bigla kong nabitawan ‘yung sandok. Dahil dito, nabanlian ang labi ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dorothy


Sa iyo, Dorothy,


Ang panaginip mo na nagluto ka ng ampalaya at nang tikman mo ay mapait ang lasa, ibig sabihin ay masasangkot ka sa isang gulo. Dahil dito, mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil pagtatangkaan nilang guluhin ang buhay mo.


Samantala, ang ibig sabihin ng nabanlian ka, napaso ang iyong labi nang tikman mo ang niluto mong ampalaya ay siguradong makakamit mo ang tagumpay sa mga mithiin mo sa buhay sa kabila ng maraming pagsubok na iyong pagdadaanan.


Gayunman, malalagpasan mo ang lahat ng ito. Magiging masaya ka at punumpuno ng pagpapala ang iyong buhay sa darating na mga araw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page