Pahiwatig na magtatagumpay sa mga plano
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 30, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lerma ng Bulacan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa kusina ako at nagpapakulo ng tubig na ilalagay sa thermos. Tapos nabanlian ako ng kumukulong tubig, buti na lang, daplis lang at hindi gaanong malala.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lerma
Sa iyo, Lerma,
Ang panaginip mo na nabanlian ka ng kumukulong tubig, pero daplis lang at hindi gaanong malala ay nangangahulugan na siguradong magtatagumpay ka sa anumang binabalak mo sa kasalukuyan.
Samantala, kung naging malala ang pagkakabanli mo at grabe ang naging epekto nito sa iyong balat, mas maganda ang kahulugan nito. ‘Yan ay nagpapahiwatig na mas malaking tagumpay ang makakamit mo.
Gayundin, mapupuno ng kaligayahan ang iyong puso dahil hindi mo inaasahan na makakamit mo ang rurok ng tagumpay na matagal mo nang inasam-asam.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments