top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pahiwatig na maglalakbay dahil sa negosyo at makakapag-asawa ng magandang babae

  • BULGAR
  • Dec 13, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 13, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonas ng Marikina City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal ako sa kabundukan. Ang ganda ng kapaligiran, tapos ang daming punong-kahoy na berdeng-berde ang mga dahon at basa pa ng hamog. May mga hummingbirds din sa itaas ng puno, gayundin, may natanaw akong lark na walang tigil sa paghuni.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jonas


Sa iyo, Jonas,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal ka sa kabundukan, maganda ang paligid, maraming puno na berdeng-berde ang mga dahon at basa pa ng hamog ay marami kang mga kaibigan na handang dumamay sa iyo sa sandali ng kagipitan. Maaasahan mo sila sa lahat ng sandali, gayundin, tapat sila sa iyo at hindi mapagkunwari.


Ang ibig sabihin ng hummingbirds ay paglalakbay na may kahalong pagnenegosyo, kumbaga, business with pleasure. Tagumpay rin sa negosyo ang ipinahihiwatig nito. Ang lark naman na walang tigil sa paghuni ay nangangahulugan ng magandang kalusugan at kasaganaan sa buhay. Kung wala ka pang asawa, ito ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng maganda at mayamang babae. Marami ang magiging anak n’yo at isa sa kanila ay magiging musician o vocalist.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page