Pahiwatig na magkaka-baby boy
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonabell ng Masbate.
Dear Maestra,
Halos araw-araw akong nananaginip, mabuti na lang, may kolum kayo na nagsasabi ng mga kahulugan ng panaginip. Madalas akong sumangguni sa inyo dahil nagkakatotoo ang pag-aanalisa n’yo sa panaginip ko.
Maestra, may asawa na ako at isa siyang seaman. Napanaginipan ko ‘yung barkong sinasakyan niya, tapos kitang-kita ko na halos masira na ito, lalo na ‘yung bandang hulihan ng barko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jonabell
Sa iyo, Jonabell,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kitang-kita mo ang barkong sinasakyan ng asawa mong seaman ay maglalakbay ka sa malayong lugar. Kung ang barko ay halos masira na sa bandang hulihan, ito ay nagpapahiwatig ng kasawiang palad. May kaakibat na kamalasan ang paglalakbay mo. At dahil ikaw ay may asawa na, ito rin ay nagpapahiwatig na maaari kang mabuntis at lalaki ang magiging anak mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments