Pahiwatig na magiging milyonaryo ang anak na lalaki
- BULGAR
- Nov 1, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 1, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Divina ng Tarlac.
Dear Maestra,
Paborito kong basahin ang kolum n’yo dahil malalim at makahulugan ang pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip. Dahil d’yan, gaya ng marami n’yong tagahanga, gusto ko ring malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na may puno ng mansanas sa likod-bahay namin, tapos ang daming bunga nito. Pinagpipitas ko ang lahat ng bunga at inilagay sa malaking basket.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Divina
Sa iyo, Divina,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may puno ng mansanas sa likod-bahay n’yo ay tagumpay at kasaganaan. Magtatagumpay ka sa iyong minimithi sa buhay at sasagana ang iyong kabuhayan.
Ang pinitas mo ang lahat ng bunga ng mansanas ay nangangahulugan na magiging mayaman ang iyong anak na lalaki, kung saan magiging milyonaryo siya.
Samantala, ang inilagay mo sa malaking basket ang mga mansanas na pinitas mo ay nagpapahiwatig na mapagtatagumpayan mo ang lahat ng pagsubok sa iyong buhay, gaanuman ito kahirap.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments