Pahiwatig na mabibili lahat ng gusto
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 15, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Quezon province.
Dear Maestra,
Isang mapagpalang araw sa inyo.
Napanaginipan ko na may date kami ng dyowa ko, tapos ang napili kong isuot ay ‘yung lace kong damit. Nang dumating ako sa lugar na napag-usapan namin, late ang dyowa ko, at ang tagal bago siya dumating.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Dorothy
Sa iyo, Dorothy,
Ang panaginip mo na may date kayo ng dyowa mo, at ang napili mong isuot na damit ay lace ay nangangahulugang makakaranas ka ng layaw sa buhay, mabibili mo ang lahat ng naisin mong bilhin. Magiging maginhawa at maligaya ang iyong pamumuhay.
Samantala, ang na-late ang dyowa mo sa inyong date, at ang tagal bago siya dumating ay nagpapahiwatig na siya ay hindi basta kumikilos nang apurahan. Kumbaga, nag-iisip at inaanalisa muna niyang mabuti ang mga bagay na dapat isakatuparan. Sa larangan ng pag-ibig, hindi siya gaanong malambing, maalalahanin, simple, at hindi maarte.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Esrellia de Luna




Comments